News Releases

English | Tagalog

Bryan Chong, "Marupok" sa pag-ibig sa bagong awitin

August 09, 2024 AT 02:34 PM

Remake ng Himig 11th Edition Best Song

Relatable na kwento tungkol sa pag-ibig at mixed signals ang ibinahagi ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Bryan Chong sa kanyang remake ng Himig 11th Edition Best Song na  “Marupok.”

Unang inawit ni KZ Tandingan ang kanta tungkol sa pagiging “marupok” o ang gen Z term para sa mga taong madaling mahulog pagdating sa pag-ibig.

Isinulat ito ni Danielle Balagtas para sa Himig Handog at iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos ang bagong bersyon nito.

Unang nakilala si Bryan sa first season ng “The Voice Teens Philippines” kung saan pinahanga niya ang mga manonood at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang rendition ng “Kahit Kailan” noong 2017. Sumabak din siya sa “Idol PH” at hinirang bilang fourth runner-up noong 2022.

Bilang recording artist, nakapaglabas si Bryan ng iba’t ibang awitin tulad ng “Mag-iisa,” “Di Pa Ba Sapat,” at “Cut Into Pieces.” Naging nominado rin siya bilang Male Acoustic Artist of the Year at New Male Recording Artist of the Year sa 12th PMPC Star Awards for Music.

Makisayaw sa tinig ng bagong awitin ni Bryan na “Marupok” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE