News Releases

English | Tagalog

Vivoree, naglabas ng bagong EP na "movie made for me"

August 09, 2024 AT 09:40 AM

Tampok ang limang kanta tungkol sa pangarap, pagsubok, at pag-ibig

Inilunsad ng aktres at singer na si Vivoree ang bagong extended play (EP) na “movie made for me” na hango sa kanyang mga pangarap at kwento ng pag-ibig.

Ibinahagi ni Vivoree sa carrier track na “movie made for me” ang pagiging matatag sa gitna ng pagsubok at pag-abot sa kanyang mga pangarap. Isinulat ito ni Dana Balagtas at iprinodyus ni Ashley Aunor.

Tampok din sa EP na handog ng Star Music ang bagong awitin na “IDLYLT” at iba pang awitin tulad ng “Matapang,” “Dalawang Isip,” at “Sayaw Ng Mga Tala” na inilabas nitong nakaraang taon.

Nagsimula ang musical journey ni Vivoree nang inilabas niya ang unang single na “Kaya Pa” na isinulat niya noong 2016. Nakasama niya rin ang dating Hashtag member na si Charles Kieron para sa kanilang digital album na “CK & Vivoree” noong 2019 at inawit niya rin ang “He’s Into Her” soundtrack na “Did I Let You Go” kasama si Jon Guelas.

Unang nakilala si Vivoree bilang dating housemate sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016. Ipinamalas niya rin ang husay sa pag-arte nang bumida siya sa iba’t ibang serye tulad ng “He’s Into Her,” “Can’t Buy Me Love,” “The Iron Heart,” “Tara, G!” Naging bahagi rin siya ng “Tabing Ilog Musical” bilang Eds na magkakaroon ng re-run simula Nobyembre hanggang Disyembre.

Pakinggan ang bagong EP ni Vivoree na “movie made for me” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE