News Releases

English | Tagalog

"Lavender Fields" numero uno pa rin sa Netflix PH, Lavender at Iris nagharap na

September 13, 2024 AT 08:58 AM

No.1 spot sa iWantTFC, nakuha rin...

 

Nangunguna pa rin ang drama-thriller series ng ABS-CBN na “Lavender Fields” sa Netflix Philippines habang nasungkit din nila ang top spot sa iWantTFC matapos tutukan ng viewers ang tumataas ang tensyon sa pagitan ni Lavender Fields (Jodi Sta. Maria) at Iris Buenavidez (Janine Gutierrez) noong Miyerkules (Setyembre 11).

Sa episode nitong Miyerkules (Setyembre 11) na nakakuha ng 533,338 peak live concurrent views, matagumpay na nakuha ni Lavender ang event styling gig para sa birthday party ni Iris matapos mapalapit sa mga kaibigan ni Iris. Matapos nga ang apat na taon, nangyari na ang pinakaiintay na panahon ni Lavender na makaharap muli si Iris. 

Sa tulong ni Aster Fields (Maricel Soriano), itutuloy ni Lavender ang kanyang planong paghihiganti kay Iris at hanapin ang nawawala niyang anak.

Samantala, patuloy naman sa pag-iimbestiga si Chief Investigator Zandro Fernandez (Albert Martinez) tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Tyrone De Vera (Jericho Rosales).

Labis naman ang nakuhang papuri ng show sa netizens dahil sa transformation ng karakter ni Jodi at sa nakaka-intriga nitong kwento. Ibinahagi rin nila ang paghanga sa ipinakitang galing sa pag-arte nina Jodi at Janine sa nasabing paghaharap. 

Abangan ang mga pasabog na eksena sa “Lavender Fields” tuwing weeknights simula 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE