News Releases

English | Tagalog

Luis nagpasalamat sa guro na gumawa ng "Rainbow Rumble" classroom version

September 17, 2024 AT 12:33 PM

PBB hosts, Sexbomb girls bigong manalo ng P1M

 

Kinataba ng puso ng Pambansang Host na si Luis Manzano ang classroom version ng “Rainbow Rumble” na ginawa ng school teacher na si Alfe Iglesia mula sa Agusan Del Sur para ma-engganyo lalo ang kanyang mga estudyante.

"Kapag yung game show mo ay ginagamit to teach and for learning purposes, ibig sabihin may ginagawa kang tama. Napakalaking bagay sa amin yun," sabi ni Luis

Nagpasalamat siya kay Alfe dahil naisip nitong gamitin ang pinakabagong game show ng ABS-CBN bilang isang epektibong diskarte sa pagtuturo niya.

“Maraming salamat sayo Sir Alfie Iglesia. Ginawa niya yung game show natin para sa kanyang mga estudyante. Saludo po kami sa inyo sa pagiging creative, we are deeply honored na nagiging part kami at mas nakakatulong sa mas effective na pagtuturo niyo,” dagdag niya. 

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Alfe kung paano nakatulong ang format ng laro sa paghahatid ng kanyang mga aralin sa Ingles. Nagpapasalamat din siya dahil kinilala ng palabas ang kanyang efforts para mas pag-igihan ang pagtuturo sa mga bata. 

“I always find a way to make my teaching and learning process more engaging and more meaningful. Masaya ako sa naging response nila (sa Rainbow Rumble) because I find it very effective. I really noticed na merong interaction, merong active participation,” Alfe said.

Gaya ni Alfie, parami nang paraming netizens ang pumuri sa show dahil sa pagiging informative nito pati na rin sa sayang dinadala nito tuwing weekend. Pinuri rin nila ang galing ni Luis sa pagiging host.

Samantala, patuloy ang pagbibigay-saya ng “Rainbow Rumble” sa mga manonood noong weekend (Setyembre 14 at 15) tampok ang “Pinoy Big Brother” hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee at Robi Domingo at Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Izzy Trazona-Aragon, Monic Icban-Diamante, Mae Acosta-Valdez, at Mhyca Bautista na sumubok sa mga nakakatuwang challenges. Nakakuha ng kabuuang 491,249 combined peak concurrent views ang dalawang episode.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin kaya ang Rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo, 7:15PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15PM sa TV5. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.