News Releases

English | Tagalog

Sharlene San Pedro, bibida sa educational show ng Knowledge Channel na "EstudyanTIPID"

September 17, 2024 AT 04:09 PM

Sharlene San Pedro stars in Knowledge Channel's financial literacy show "EstudyanTIPID"

Viewers can catch "EstudyanTIPID" every Monday at 3:20 PM, with replays on Wednesday, Friday, and Sunday on Knowledge Channel

Mapapanood tuwing Lunes, 3:20 PM sa Knowledge Channel 

Balik muli sa aktingan ang Kapamilya actress na si Sharlene San Pedro, kung saan bibida siya muli sa educational show ng Knowledge Channel Foundation na "EstudyanTIPID." 

Katuwang ang BPI Foundation, layunin ng programa na magbigay-kaalaman sa mga kabataan patungkol sa importansya ng financial literacy, pagne-negosyo, at basic economics mula sa mga araw-araw na karanasan ni Marla (Sharlene). Kasama rin ni Sharlene ang batikang host at writer na si Stanley Chi. 

Ang mga educational topic nito ay nakahanay at alinsunod sa DepEd curriculum ng Araling Panlipunan para sa Grade 9 students. “Kung estudyante ka na naghahanap ng tipid tips at gustong matuto sa pera, para sayo ‘to! Abangan niyo ang Estudyantipid dito sa Knowledge Channel,” saad ni Sharlene. 

Ikinagalak naman ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) president na si Rina Lopez ang kanilang partnership katuwang ang BPI Foundation. Aniya, bahagi rin ng holistic development ng mga kabataan ang basic financial literacy kaya sa pamamagitan ng programa ay matututunan nila sa murang edad ang kahalagahan ng pag-budget at pag-iipon ng pera. 

"We are pleased to partner with BPI Foundation and other educational stakeholders. Together, we are taking steps toward building a more financially literate Philippines—one where young people are equipped to make wise financial choices, secure their futures, and contribute to the prosperity of our nation," saad ni Rina. 

“Gaining insights on the importance of saving and budgeting at an early stage is crucial to have a strong foundation in financial literacy. EstudyanTIPID is consistent with our commitment to ‘Kasama Lahat sa Pag-Unlad,’ and our vision of helping build a better Philippines—one family, one community at a time,” saad naman ni Carmina Marquez, BPIF Executive Director. “Together with our partners from Knowledge Channel, we are equipping the next generation with the skills they need to make informed financial decisions, fostering a culture of saving, and promoting sustainable growth for all Filipinos.” 

Bago ang premiere ng programa, inintrodyus ng Knowledge Channel at BPI Foundation ang "EstudyanTIPID" sa mga estudyante ng Ernesto Rondon High School sa Quezon City, kung saan nakasama rin nila ang isa sa cast nito na si Stanley. 

Mapapanood ang "EstudyanTIPID" tuwing Lunes, 3:20 PM, na may replay tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa Knowledge Channel, na available sa cable, direct-to-home satellite and DTT, pati online sa iWantTFC. Ipalalabas din ito sa Kapamilya Channel at A2Z. 

Mapapanood din ang ilan pang video lessons on-demand sa official Facebook and YouTube pages nito, pati educational clips sa kanilang TikTok account.
 
Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok. 

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom