Bagong yugto mapapanood sa bago nitong timeslot ng 9:30 PM
Itinuturing ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual na isang “milestone” para sa kanyang career ang hit seryeng “Pamilya Sagrado,” na magbubukas na ng bagong yugto sa bago nitong timeslot na 9:30 PM pagkatapos ng “Lavender Fields.”
“I’ve never been this invested in a show. It’s nice to get to play a character na masasabi kong not just challenging, but a milestone for my career as well. I’m so happy seeing their [Kyle Echarri at Grae Fernandez] growth. They owned it,” sabi ni Piolo sa mediacon at thanksgiving event para sa serye kahapon (Setyembre 1).
Proud din siyang makita kung paano niyakap ng kanyang mga co-star ang hamon sa roles nila at malaki rin ang pasasalamat niya sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa serye.
Kinilig naman sina Kyle at Grae sa papuri ng mga manonood sa kanilang mahuhusay na pagganap sa kanilang mga karakter at binansagan na nga silang rising leading men at dramatic actors ng ABS-CBN.
“Nakakaka-pressure but I’m so honored to be called one of the “next in line.” Madaming magagaling na artista sa ABS-CBN kaya para sabihin na isa ako doon, talagang nagpapasalamat ako,” ayon kay Kyle.
Sabi din ni Grae na lagi niyang binubuhos ang best niya upang bigyang-buhay ang isang karakter, “I’ve always been concerned with work and the story. I’m just an actor to serve the story of the writer and the story for the audience na may ibibigay tayo na message and entertainment.”
Sa pagbubukas ng bagong yugto ng “Pamilya Sagrado,” sasabog na ang mga rebelasyon at bagong laban dahil malapit nang matuklasan ni Presidente Rafael (Piolo) na anak niya si Moises (Kyle), at iigting lalo ang hidwaan sa pagitan nina Moises at Justin (Grae).
Umaatikabong aksyon din ang dapat abangan sa serye kasama ang special guest director na si Coco Martin.
Abangan ang mga makapigil-hiningang rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Pamilya Sagrado.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Mapapanood din ang mas maikling mga episode tampok ang pinaka-maiinit na eksena sa “Pamilya Sagrado Fast Cuts” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel simula Setyembre 9.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.