KZ Tandingan delves into the moments of weakness when it comes to love in her new single "Toyo."
Isinulat at prinodyus ng Asia’s Soul Supreme
“
Toyo” ang titulo ng comeback single ni KZ Tandingan na tungkol sa damdamin ng taong ‘di mapigilang mahulog muli sa taong inakala’y nakalimutan na.
Si KZ mismo ang sumulat at nagprodyus ng itinuturing niyang experimental track na alay niya para sa mga nalilito, nananatiling in denial, at tinotopak dahil nagre-relapse.
“So itong ‘Toyo’ tungkol sa isang tao na nagta-try nang mag move-on. And then one day, itong taong ito nakatanggap siya ng tawag mula sa taong tina-try niyang kalimutan. Ang tanong ngayon, bibigay ba siya?” ani KZ.
Ang operations at creative head ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo ang nagsilbing supervising producer habang si Tim Recla naman ang nag-mix at master ng kanta na inilunsad sa ilalim ng Star Music.
Pormal na ipinakilala ni KZ ang awitin sa isang launch party noong Huwebes (Sep. 26) sa Takeover Lounge sa Quezon City kung saan nag-perform din ang mga bisitang sina Bryan Chong, Jel Rey, FANA, Jem Macatuno, MC Einstein, at Angela Ken.
Sinusundan ng “Toyo” ang 2023 single ng Kapamilya singer-songwriter na “Dito Ka Lang” at ang kanyang latest collaboration sa kanyang asawang si TJ Monterde na “Palagi.”
Napapakinggan na ang “Toyo” single ni KZ sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.