Kamakailan ay napanood si Angela bilang isa sa mga bida sa musical na “Once on this Island” at “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee.” Una siyang nakilala nang ibinahagi niya ang creative process sa likod ng pagbuo ng kanyang unang single na “Ako Naman Muna” na naging big hit. Noong 2022, inilabas niya ang self-titled debut album na umani ng mahigit 52 million streams sa Spotify.
Natanggap niya ng Kapamilya artist ang iba’t ibang parangal tulad ng Awit Awards Best Inspirational Song para sa “Ako Naman Muna” at Catholic Mass Media Awards (CMMA) Best Secular Song para sa “It’s Okay Not To Be Okay.”
Available ang bagong singles ni Angela na “Pansinin Mo Naman Ako” at “Kulimlim” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.