
Nitong Sabado (Oktubre 19), binoto ng sambayanan ang all-girl Big Four ni Kuya habang hindi naman pinalad na makasama sa Big Four si JM matapos makakuha lamang ng pinakamababang boto (17.32%) sa limang natirang housemates.
Binasag din muli ng programa ang all-time viewership record nito matapos makapagtala ang naturang episode ng mahigit 786,400 combined views sa Kapamilya Online Live via YouTube at Facebook.
Sa pagpapatuloy ng pamamalagi ng Big Four sa loob ng bahay, may matindi pang payanig si Kuya na susubok kung sino sa kanilang apat ang karapat-dapat maging Big Winner sa kanyang "Big Task" pasabog.
Samantala, ang mga naunang nakalap na boto ng Big Four nitong Sabado ay madadala hanggang sa Big Night sa pagpapatuloy ng botohan para malaman ang susunod na Big Winner na mag-uuwi ng brand new house and lot mula sa Vista Land and Lifescapes Inc., trip package to Korea at P1 million!
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng paboritong Housemate na ibabawas sa Maya wallet. Unlimited din ang botohan para more chances of winning para sa inyong nais na Housemate.
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PMsa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Alamin din kung sino kina Fyang, Kai, Kolette, at Rain ang magiging susunod na Big Winner sa "The Final Stage at the Big Night" live mula sa ABS-CBN Studios ngayong Sabado (Oktubre 26), 8:30 PM.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.