ABS-CBN, the country’s leading content provider, bagged three awards at the ContentAsia Awards 2024 in Taipei, Taiwan on Thursday night (Sept 5).
“Zoomers,” “A Very Good Girl,” at Arjo, pinarangalan
Tatlong prestihiyosong parangal ang nasungkit ng ABS-CBN sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap sa Taipei, Taiwan noong Huwebes ng gabi (Sept 5).
Panalo bilang Best Asian Short-Form Drama/Series ang youth-oriented show ng ABS-CBN Studios na “Zoomers,” na pinangunahan nina Criza Taa, Harvey Bautista, at iba pang young Kapamilya stars. Tinanggap ni Theodore Boborol, ang creative producer ng show ang tropeo.
Nasungkit naman ng “A Very Good Girl,” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, ang Bronze para sa Best Asian Feature Film/Telemovie.
Wagi rin si Arjo Atayde bilang Best Male Lead in a TV Programme/Series para sa kanyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa “Cattleya Killer.”
Nasa awarding ceremony din ang “Linlang” stars na sina Kim Chiu at Kaila Estrada, na nominado para sa Best Female Lead in a TV Programme/Series at Best Supporting Actress in a TV Programme/Series. Sila ang award presenters para sa mga kategoryang Best Asian Drama Series Made for a Regional/International Market at Best Drama Series for a Single Market in Asia.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.