News Releases

English | Tagalog

Jerald nanalo ng 155,000 sa bagong segment ng It's Showtime na "Throwbox"

September 08, 2024 AT 09:46 PM

Pambato ng National University Laguna, uusad sa midterms ng "TNT School Showdown"
 

Nag-uwi ng P155,000 ang komedyante na si Jerald Napoles matapos niyang makuha ang sagot sa super box question sa pinakabagong segment ng It's Showtime na "Throwbox."

Sa “Throwbox,” 10 studio players ang papipiliin ng box na tingin nilang may star para umusad sa susunod na round. Ang maswerteng player na makakuha ng star ang tutungo sa next round kung saan pipili naman siya ng limang boxes na may kaakibat na cash prize. Kapag nasagot niya ng tama ang tanong ay ida-dagdag ang cash prize sa kanyang pot money habang kapag nagkamali siya ay ibabawas naman ito sa kanyang naipanalo na. Sa jackpot round, papipiliin naman siya kung ano ang gagawin niya sa kanyang premyo kung 'doble o kalahati o 'triple o sawi' bago niya sagutin ang 'Super Box' question. 

Sa elimination round, napili ni Jerald ang throwbox na naglalaman ng star kaya naman natalo niya ang kapwa komedyante na sina Chad Kinis, Long Mejia, Iyah Mina, Anton Diva, Petite, Negi at iba pa.  Umusad siya sa next round kung saan nasagutan din niya ng tama ang limang throwbox na naglalaman ng iba't ibang cash prize at hawak ng hosts na sina  Vhong Navarro, Karylle, Jugs Jugueta, Ion Perez, at MC and Lassy.  Nakalikom nga siya ng P75,000. 

Samantala sa jackpot round, pinapili siya nina Vice Ganda at Jhong Hilario kung alin sa dalawa, 'doble o kalahati' o 'triple o sawi' ang gagawin niya sa nakuha niyang cash prize. Pinili niya ang doble o kalahati at nasagutan ang tama sa tanong kung ano ang gulay sa Bahay Kubo na may English name na wing bean kaya naman dumoble ang panalo niya at nag-uwi siya ng P150,000. 

Uusad naman patungong midterms ang pambato ng Nationa University-Laguna na si Den matapos niyang makuha ang pinakamataas na score na 97.3% sa prelims ng "TNT School Showdown."

Umani rin ng maraming papuri ang show pati na ang segment dahil sa pagiging informative nito lalo pa at nagbibigay ito ng kaalamanan sa nangyari sa nakaraan. Ibinahagi rin nila na natutuwa silang maki-sagot sa mga tanong sa "Throwbox" at malaman ang iba't ibang trivia na baon ng hosts.

Panoorin sa "It's Showtime," tuwing 12:00PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at sa iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Panoorin din ang online show nila na "Showtime Online U," sa  YouTube channel ng "It's Showtime."

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE