Para sa madaling pag-biyahe ng concertgoers, mayroong roundtrip shuttle service sa tridemtickets.com na may pick-up point sa Solaire ASEAN Open Parking, One Ayala Terminal Makati, UPark Megamall, Baliwag Bus Terminal Cubao, at SM City North Edsa.
Nagsimula nang magsanay ang BINI para sa bigating “BINIverse World Tour: Philippines” na inaasahang magtatampok ng mga bago at exciting performances, kabilang na ang kauna-unahang live performance nila ng “Blink Twice.”
Ang “Blink Twice” ang bagong handog na international single ng grupo na opisyal na ilulunsad sa Pebrero 13 (Huwebes) o dalawang araw bago maganap ang concert.
Sold out na ang VIP at lower box A premium tickets para sa show pero may mabibili pang ilang lower box, upper box, at gen ad tickets sa pulptickets.com at ticketnet.com.ph.
Pagkatapos ng Philippine leg nito, lilipad ang “BINIverse World Tour” sa Singapore, Dubai, London, at United States.
Huwag palampasin ang “BINIverse World Tour: Philippines” ngayong Pebrero 15, 5pm sa Philippine Arena. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.