Adrian will co-anchor with Zen Hernandez to continue delivering the latest news and updates from around the country and globally every Saturday and Sunday
Kasama si Zen Hernandez tuwing Sabado at Linggo, 5:30 PM
Si Adrian Ayalin na ang bagong news anchor ng "TV Patrol Weekend" simula Enero 4, 2025.
Makakasama niya ang kanyang co-anchor na si Zen Hernandez sa paghahatid ng mga maiinit na balita sa loob at labas ng bansa tuwing Sabado at Linggo.
Nakilala si Adrian bilang isang mahusay na mamahayag ng ABS-CBN News magmula 2004, kung saan siya ang nakatoka sa pagbabalita ng mga pangyayari sa mga sangay ng gobyerno, pati pagtalakay sa mga hagupit ng kalamidad, armadong hidwaan, at iba pa.
Kasabay rin ng kanyang tungkulin sa ABS-CBN News, malugod din niyang ipinamamahagi ang kanyang kaalaman sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, kung saan din siya nagtapos bilang cum laude ng Broadcast Communication.
Pakatutukan ang mga maiinit na balita at impormasyon kasama sina Adrian at Zen sa "TV Patrol Weekend" tuwing Sabado at Linggo, 5:30 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, ANC, Radyo 630/Teleradyo Serbisyo, at digital platforms ng ABS-CBN News.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.