News Releases

English | Tagalog

1621BC, inilunsad ang comeback single na "Bagamundo"

January 10, 2025 AT 12:01 PM

Bagong era ng P-pop group, masisilayan na

Puno ng tapang at determinasyon ang P-pop boy group na 1621BC sa kanilang comeback single na “Bagamundo.”

Ibinahagi ng mga miyembro na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ sa awitin ang mensahe ng pagiging matatag sa gitna ng mga hamon at patuloy na pagsusumikap para makamit ang kanilang pangarap.

“It’s about a story of achieving one’s dream through years of travel and developing the most interesting individual characters who strive hard pursuing their dream of becoming somebody someday,” saad ng grupo.

Isinulat at iprinodyus ang “Bagamundo” nina Kiko “Kikx” Salazar, Derick “OC-J” Gernale, at Perry Lansigan habang nagsilbing supervising producer nito si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Matapos maging bahagi ng idol survival reality show na “Dream Maker,” inilunsad ng 1621BC ang kanilang self-titled debut EP tampok ang key track na “Laruan” noong 2023. Nabuo ang pangalan ng grupo mula sa angel manifestation number na 1621 na nagpapahiwatig ng pag-abot sa mga pangarap habang nagmula naman ang BC sa katagang beyond complete.

Nitong nakaraang taon, naging nominado ang grupo sa 37th Awit Awards bilang Best New Performance by a Group at natanggap din nila ang special award bilang PPOP Potential sa PPOP Music Awards nitong Disyembre 28 sa New Frontier Theater. Nakasama rin sila sa Best of P-pop On The Rise playlist ng Spotify.

Napapakinggan na ang “Bagamundo” ng 1621BC sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang 1621BC sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE