Mga pelikula nina Piolo at Vhong, mapapanood din ngayong buwan
Maningning na simula ng taon ang handog ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang pagbida sa Monday Drama ng Cinema One na napapanood tuwing Lunes, 9pm ngayong Enero.
Saksihan ang “Saving Grace” star bilang isang overseas Filipino worker at mapagmahal na stepmother sa digitally restored films na “Caregiver” (Ene. 13) at “Madrasta” (Ene. 20). Mapapanood din ang balik-tambalan nina Sharon at Richard Gomez sa “Three Words to Forever (Ene. 27).
Mga pelikulang may mensahe ng pagkilala sa sarili at pag-ibig ang masisilayan sa Blockbuster Sundays. Huwag palampasin ang “The Third Party” nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo (Ene. 12), “I Love You Hater” nina Kris Aquino, Joshua Garcia, at Julia Barretto (Ene. 19), at “My Perfect You” nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach na mapapanood tuwing Linggo, 7pm.
Balikan ang ilan sa classic films ng award-winning actor na si Piolo Pascual sa Restored Cinema. Tampok dito ang “Dekada ‘70” kasama si Vilma Santos (Ene. 12), “Dreamboy” kasama si Bea Alonzo (Ene. 19), at “Don’t Give Up on Us” kasama si Judy Ann Santos (Ene. 26) na ipapalabas tuwing 9pm sa una at ikatlong Linggo at 10pm sa ikalawa at ikaapat na Linggo.
Puno ng takot at katatawanan naman ang dala ng “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro na magpapasikat sa Thursday Horror ng Cinema One. Saksihan siya bilang ang matapang na spirit warrior na si Red sa “Spirit Warriors: The Shortcut” (Ene. 16), photojournalist na si Odie sa “Buy Now, Die Later (Ene. 23), at umiibig na nurse na si Conan sa “Bulong” (Ene. 30) na mapapanood tuwing 9pm.
Samantala, makakakuwentuhan ni Bianca Gonzalez sina Andrea Brillantes at Piolo Pascual sa encore episodes ng “The B Side” na mapapanood sa Ene. 10 at 24. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6pm, Linggo, 9pm, at Lunes, 10am.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.