Bubuo sa kanyang song trilogy tungkol sa self-love
Pagmamahal sa sarili kesa pag-ibig na hindi sinusuklian ang pipiliin ng rising Kapamilya artist na si Drei Sugay ayon sa kanyang bagong inilabas na kanta na pinamagatang “Pano Naman Ako.”
Kinukumpleto ng bagong komposisyon niya ang song trilogy kasama ang mga awiting “idk anymore” at “Wag Na Lang” na inilabas noong nakaraang taon.
Tungkol ang “idk anymore” sa paghahanap ng sense of purpose sa mundo habang tamang pag-ibig naman ang tema ng “Wag Na Lang.”
Inareglo ni Tommy Katigbak ang “Pano Naman Ako” habanng prinodyus ito ni Drei mismo kasama si StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Bago nagsimula ang karera ni Drei bilang singer-songwriter, nakasama siya sa “The Voice Teens” season 2 sa ilalim ng team ni Apl de Ap at naging bahagi rin ng “Idol Philippines” season 2. Bumida siya bilang si Fonzi sa “Tabing-Ilog: The Musical” ng PETA na itinanghal noong 2023 at 2024.
Pakinggan ang “Pano Naman Ako” single ni Drei na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.