News Releases

English | Tagalog

Gela at Robi, pangungunahan ang bagong dance survival reality how ng ABS-CBN na "Time To Dance"

January 17, 2025 AT 06:09 PM

Tampok ang 17 dance hopefuls

 

Gigil at galing ang ipapamalas ng mga mananayaw sa “Time To Dance,” ang bagong dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nina Gela Atayde at Robi Domingo, na ipapalabas ngayong Sabado (Enero 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Sa nakaraang mediacon ng palabas noong Huwebes (Enero 16), ikinwento ng New Gen Dance Champ na si Gela ang rason kung bakit ginawa ang “Time To Dance.”

“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, yung mga sobra. Here in “Time To Dance,” I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. Nabuo ang “Time To Dance” because of the heart and passion na nakita nila sakin,” sabi ni Gela.

Ibinahagi ni Gela ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga mananayaw na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Naikwento niya rin na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.

Samantala, pinuri ni Robi ang hosting skills ni Gela, na isang first-time host.

“Kitang kita kay Gela yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin yun sa kanya,” komento ni Robi.

Binigyang-diin rin ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng “Time To Dance” na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. Sinabi niya rin na ang show ay “more than just a competition.”

Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community.  Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats. 

Sino kaya ang magpapakita ng gigil at galing at magiging kauna-unahang grand winner ng  “Time To Dance”? Abangan sa pinakabagong dance survival reality show na “Time To Dance” tuwing Sabado, 8:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE