Mala-panaginip na pag-ibig, tampok sa bagong kanta
Papausbong na damdamin ang tema ng “State of Mind,” and bagong single ng rising Kapamilya singer-actress na si Shanaia Gomez.
Mula sa komposisyon at produksyon ni Jeremy Glinoga ang awitin na tungkol sa mala-panaginip na pag-ibig. Nagsilbing supervising producer din nito ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Sinundan nito ang naunang singles ni Shanaia na “Cloud 9” at “Slow Dancing” na umiikot din sa tema ng pag-ibig.
Nagsimula ang music career ni Shanaia nang sumali ito sa unang season ng “Idol Philippines” noong 2019. Inilunsad naman niya ang debut single na “Para Sa’yo” noong 2022 na naging bahagi ng Spotify EQUAL Philippines playlist.
Bukod sa musika, nakilala rin siya bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.” Pinasok din ni Shanaia ang pagiging aktres at bumida sa iba’t ibang Kapamilya series tulad ng “Click, Like, Share,” “He’s Into Her,” at “FPJ’s Batang Quiapo.” Nitong nakaraang taon, umani siya ng papuri para sa kanyang performance sa comedy musical na “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee” at sa iWantTFC horror film na “Gatekeeper.”
Available ang bagong awitin ni Shanaia na “State of Mind” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.