Itinanghal si Carmelle Collado ng King Thomas Learning Academy, Inc. bilang kauna-unahang grand champion ng School Showdown edition ng “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” noong Sabado (Enero 18).
Nakakuha si Carmelle ng kabuuang average score na 98% mula sa hurado at tinalo ang kanyang mga kapwa contenders na sina Isay Olarte ng City College of Calapan, na nakakuha ng 97.7%, at Arvery Lagoring ng Claret School-Lamitan, na nakakuha ng 92.5%.
Bilang grand champion, mag-uuwi si Carmelle ng P1 milyon, management contract mula sa Star Magic, recording at music label contract mula sa Star Music, at tropeo na nilikha ng kilalang Filipino sculptor na si Ronald Castillo. Makakatanggap din ng P100,000 ang kanyang paaralan na King Thomas Learning Academy, Inc.
Sa final round, nakakuha ng standing ovation mula sa mga hurado at madlang people ang talentadong estudyante mula sa Camarines Sur, matapos awitin ang isang medley ng Aretha Franklin hits na “Natural Woman,” “Chain of Fools,” at “Ain't No Way. ”
Napabilib ni Carmelle ang 17 “Tawag Ng Tanghalan” hurados na sina Louie Ocampo, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Jolina Magdangal, Yeng Constantino, Erik Santos, Kyla, Nyoy Volante, Jed Madela, Bituin Escalante, Klarisse De Guzman, Darren, Dingdong Avanzado, Kean Cipriano, at Sofronio Vasquez.
Samantala, inanunsyo ng “It’s Showtime” hosts ang pagbabalik ng “Sexy Babe” at ang paglulunsad ng bagong segment na “Hide and Sing” na mapapanood na sa Lunes.
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.