News Releases

English | Tagalog

DonBelle, gabi-gabing magpapakilig sa "How to Spot a Red Flag"

January 22, 2025 AT 04:10 PM

DonBelle spreads kilig on primetime TV with "How to Spot a Red Flag"

The series is a hit among fans that are head over heels for DonBelle’s refreshing take on a light-hearted and feel-good story that showcases their oozing chemistry. 

Ngayong Enero 27 na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5

Gabi-gabing magpapakilig sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang pagbabalik-primetime TV sa seryeng “How to Spot a Red Flag,” na mapapanood simula Enero 27 (Lunes) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 ng 9:30 PM.

Unang nang pumatok ang serye nang ipalabas ito sa Viu kung saan tuwang-tuwa ang viewers na masaksihan ang umuusbong chemistry ng DonBelle para sa isang kwento na puno ng good vibes at kilig scenes.  

Sa mediacon na ginanap kahapon (Enero 21), ibinahagi ng DonBelle ang kanilang opinyon tungkol sa mga taong may "red flag" o mga katangian na nakaka-turn off. Ayon sa dalawa, gusto rin nilang may mapulot na aral at maka-relate ang mga fan sa kani-kanilang love life kapag pinanood ang kanilang serye. 

“This time around, makakapagturo na naman kami ng bagong learnings sa audience namin. May mga tao na kapag mas minamahal mo sila, mas nakikita mo rin ang red flags nila. If you have that love for yourself as well, you’ll be able to spot the red flags that you don’t want,” sabi ni Belle.

“Everyone has a red flag. It’s all about communication. As long as it’s not to a point that you’re hurting each other because that’s when it gets unhealthy. Belle and I talk about the types of red flags that we have so that we can go through them,” dagdag naman ni Donny.

Umiikot ang istorya ng “How to Spot a Red Flag” kay Cha (Belle), isang cute at palaban na babaeng naging biktima ng catfishing. Sa kabila ng panloloko sa kanya ng good boy na si Matt (Donny) at bad boy na si JR (Jameson Blake), posible pa kaya siyang ma-inlove nang maipit silang tatlo sa isang love triangle?

Kiligin gabi-gabi sa “How to Spot a Red Flag” na mapapanood kada 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Enero 27. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Kasalukuyan din napapanood ang serye sa Viu, na may bagong episode kada Lunes at Martes ng 12 midnight.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang http://corporate.abs-cbn.com/newsroom.