Nakakuha rin ng 585,973 live concurrent views sa YouTube
Nangunguna ang pinakabagong serye ng ABS-CBN na "Incognito" sa listahan ng pinakapinanood na serye ng Netflix Philippines dahil sa action packed scenes ng serye at pagpapamalas nito ng ganda ng Atok, Benguet.
Bukod sa pagkuha ng No. 1 spot sa streaming platform, nakakuha rin ng lampas kalahating milyong live concurrent views (585,973) sa Kapamilya Online Live sa YouTube ang pilot episode nito noong Lunes (Enero 20) . Bumuhos din ang papuri na natanggap ng serye at nagtrending ang characters at serye sa X.
Sa unang episode nito, napanood ng viewers ang madugong pagkidnap ng isang sindikato sa anak ng ambassador na si Takako Rai (Belle Mariano). Agad naman humingi ng tulong ang general kay Gregorio Tecson (Ian Veneracion) para makuha ang anak ng ambassador nang hindi pumapayag sa kondisyon ng sindikato.
Hindi naman nagpaligoy-ligoy si Gregoryio at unti-unti binuo ang kanyang grupo sa katauhan nina Jose Bonifacio (Richard Gutierrez), Miguel Tecson (Baron Geisler), at Andres Malvar (Daniel Padilla).
Tutukan sa susunod na episodes kung paano pa niya mapapapayag ang mga karakter nina Kaila Estrada, Anthony Jennings, at Maris Racal sumali sa kanilang grupo at kung paano sila magtutulungan sa una nilang misyon.
Abangan ang mga pasabog na eksena sa pilot week ng “Incognito” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.