Pagkatapos ng 25 taon, nagbabalik si Jamie Rivera bilang boses ng 2025 Philippine Jubilee hymn na “Ningas ng Pag-asa” kung saan tampok ang grupong 92AD.
Si Jamie rin ang naging boses ng “Jubilee Song (The Great Jubilee)” kasama ang 92AD na naging theme song ng 2000 Jubilee celebration sa bansa mula sa komposisyon ni Fr. Carlo Magno Marcelo.
“I’m very grateful that I’m still given trust by the Catholic Church and yung faith nila is not fading, and I’m also blessed that 92AD is still there to help and wiling to join me,” pahayag niya.
Para sa tinaguriang Inspirational Diva, mensahe ng pag-asa ang handog ng bagong Jubilee song.
“This is a message of hope. Flame of hope. Tayo yun, we have to tell the people that there is hope in mankind,” ani Jamie. “Yun ang responsibility natin as Christians, as Catholics, as followers of Christ to send this message because it is our mission.”
Sang-ayon din ang 92AD sa mahalagang mensahe ng kanta. Sabi ng grupo, “The song is really a message of hope for everyone. Pero sa kabila ng lahat ng nangyayari sa mundo atin, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Magtiwala lang tayo sa Diyos. At yun ang mensahe na gusto nating iparating sa lahat.”
Si Jamie ang mismong nagsalin sa Filipino ng “Ningas ng Pag-asa” base sa official 2025 Jubilee theme na “Pilgrims of Hope.” Inilunsad ito sa ilalim ng Inspire Music label ng ABS-CBN.
Ngayon, magsasama rin muli sina Jamie at 92AD para sa entrance song ng kasalukuyang Jubilee celebration na pinamagatang “Welcome! Mabuhay! O Pilgrims of Hope" na mula rin sa panulat ni Fr. Carlo Magno Marcelo.
Ang Jubilee ay karaniwang ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko tuwing 25 taon.
Napapanood na ang
official music video of “Ningas ng Pag-asa" sa Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.