News Releases

English | Tagalog

Bayanihan at pagkakaisa, bida sa ABS-CBN 2025 Christmas ID na "Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko"

November 16, 2025 AT 10:23 AM

ABS-CBN ushered in the holiday season with the launch of its star-studded 2025 Christmas ID, "Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko," which celebrates the heartwarming tales of everyday heroes and the Filipino culture of togetherness and bayanihan.

Tampok ang mga bigating Kapamilya stars at personalities

Inilunsad na ng ABS-CBN ang star-studded 2025 Christmas ID nito na pinamagatang “Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko” na nagbibigay pugay sa mga makabagong bayani, pagkakaisa, at bayanihan.

Hango ang 2025 Christmas ID sa mga kwento nina “Pilipinas Got Talent” season seven winner na si Ricardo “Cardong Trumpo” Cadavero na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya; Dumagat tribal chieftain Perlita Guerrero na naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang tribo; “Teacher Santa” Melanie Figueroa na tinutupad ang mga hiling ng kanyang mga estudyante; The Busking PH founder Martin Riggs na ginagamit ang kanyang musika para makatulong sa mga nangangailangan; Father Errol Fidel Mananquil na nagaaruga sa mga ulila;at ni youth leader Richmond Seladores na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga biktima ng kalamidad. Isa rin itong pasasalamat sa mga ordinaryong mamamayan na nagsisilbing inspirasyon at tagapaghatid ng pagmamahal, saya, at pag-asa sa kanilang mga komunidad.

Sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, nagtipon-tipon ang mga pinakamaningning na Kapamilya stars at personalities upang bigyang buhay ang 2025 Christmas ID na pinangunahan ng ABS-CBN Creative Communication Management, sa pamumuno ni Robert Labayen, kasama si ABS-CBN COO Cory Vidanes, katuwang sina Jay Dustin Santiago, Love Rose De Leon, Lawrence Arvin Sibug, Revbrain Martin, Maria Lourdes Parawan, Mark Raywin Tome, Sheryl Ramos, Paolo Emmanuel Ramos, Edsel Misenas, at iba pa.

Ang musika ay ginawa at inareglo nina Raizo Chabeldin, Biv De Vera, Jessie Lasaten, at Francis Salazar, habang ang vocal supervision ay pinangunahan ni Jonathan Manalo.

Damhin ang saya at init ng paskong Pilipino—mapapanood ang ABS-CBN 2025 Christmas ID sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 12 PHOTOS FROM THIS ARTICLE