Trending at labis na kinabiliban ng netizens ang mga pasabog na performances nina Alexa Ilacad at Jason Dy sa kanilang pagtransform bilang si Britney Spears sa “Your Face Sounds Familiar Season 4.”
Sa nangyaring Battle of One Icon, umani ng standing ovation ang performance ni Alexa ng “I’m A Slave 4 U” matapos niyang kumanta habang may malaking ahas sa kanyang leeg samantala hindi rin naman nagpakabog si Jason Dy at ipinamalas ang galing sa pagkanta at paggaya sa kanyang bersyon ng “Toxic.”
Sa huli, nanguna si Alexa sa leaderboard at itinanghal bilang week 4 winner habang pumangalawa naman sa kanya si Jason. Sa ngayon, umabot na sa milyon views ang parehas na performances nina Alexa at Jason sa iba’t ibang social media platform.
Bukod sa performances nina Alexa at Jason, nagdala naman ng good vibes at major throwback feels ang guest performer at “TNT” champion na si Marko Rudio bilang si Yoyoy Villame.
Para sa Week 5 transformations, abangan sina Dia Mate bilang Michelle Dee, Rufa Mae Quinto bilang Jessi, Akira bilang Tom Jones, JM dela Cerna at Marielle Montellano bilang sina Cynthia Erivo at Ariana Grande, Jarlo Base bilang Chris Martin, Jason bilang Martin Nievera, at Alexa bilang Zsa Zsa Padilla.
Huwag palampasin ang kamangha-manghang transformations sa “Your Face Sounds Familiar” tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWant.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

