‘Young Elvis,’ may hatid na heartfelt anthems
Classic romantic sound ang ibinida ng Filipino-American singer-songwriter na si David Young sa kanyang self-titled debut extended play (EP).
“Love is the biggest emotion that I know of in music. I write songs that may sound old, but I try to be inspired as well through new ideas for songwriting,” saad niya sa Artist’s Notes vlog ng Star Music.
Wagas na pag-ibig na tunog old school ang mapapakinggan sa mini album na mayroong anim na awitin tulad ng “Mabagal,” “Yesterday, Today, Tomorrow,” “Everyday,” “Siguro Nga,” “Tender Lady” at “Long For Your Love.”
Mula sa komposisyon nina David at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo ang key track nito na “Siguro Nga” na tungkol sa unti-unting pagkahulog sa isang espesyal na tao at pagpapahalaga sa bawat oras na kasama sila.
Nagsimula ang journey ng bagong Kapamilya artist na kilala bilang ‘Young Elvis’ nang pumirma siya ng kontrata sa Star Music at inilunsad ang unang single na “Long For Your Love” noong 2024 na umani ng mahigit 1 milyon streams sa Spotify. Bukod sa pag-awit, marunong rin si David tumugtog ng piano, ukulele, gitara, at saxophone. Nakapag-perform siya sa iba’t ibang events tulad ng Kuh Sings Her ABCs at Miss Manila 2024.Isa rin siyang regular performer sa RJ Bistro.
Damhin ang old school love feels sa debut EP ni David na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


