News Releases

English | Tagalog

iWant, handog ang bagong microdrama na "The Billionaire Swap"

November 17, 2025 AT 05:36 PM

 

Isang kwentong puno ng mga lihim, panlilinlang, at pagtataksil 

May panibagong microdrama series na dapat abangan mula sa iWant sa pamamagitan ng high-stakes thriller na “The Billionaire Swap,” na mapapanood na sa platform simula Lunes (Nobyembre 17).

Ito ang pang-apat na microdrama release ng platform kasunod ng “Shadow CEO” 

Sinasalamin ng series ang pagbagsak ng tech billionaire na si Joshua Rivera (Jimsen Jison), na pinagsamantalahan ng kanyang stepbrother na si Anton (Billy Jake-Cortez) para mapalapit siya at maangkin si Michelle (Diane Valentin), ang asawa ni Daniel. 

Dahil sa kasakiman ng plano ni Anton kay Joshua, humantong ang buhay nito sa kulungan hanggang sa nadawit ito sa sunog na siyang rason kung bakit pinaniniwalaang  pumanaw na ito. Ngunit, magkakaroon ng matinding pagbabago sa kwento sa paglitaw ni Daniel Reyes (Mikoy Morales), na nagsasabing siya si Joshua. 

Abangan ang “The Billionaire Swap” ngayong Lunes (Nobyembre 17), eksklusibo sa iWant.

Tangkilikin ang iWant Originals at iba pang exclusive content sa halagang ₱35 bawat buwan.

 

Damhin ang bawat kwento, anumang oras, saanman, kahit kailan dito lamang sa iWant. I-download ang app at mag-subscribe sa Google Play, Apple App Store, o bisitahin ang website sa www.iwanttfc.com.

 

Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa  Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

iWant, handog ang bagong microdrama na "The Billionaire Swap"