News Releases

English | Tagalog

Kent Villarba, wagi bilang grand champion ng "Tawag Ng Tanghalan" season 9

November 10, 2025 AT 12:16 PM

Tinanghal na grand champion ng “Tawag ng Tanghalan” Season 9 si Kent Villarba ng Pangkat Luntian matapos makatanggap ng sunod-sunod na standing ovations para sa kanyang dalawang matitinding performances sa “Huling Tapatan” noong Sabado (Nob.8).
Isang hindi malilimutang birthday gift ang natanggap ni Kent  matapos niyang makuha ang pinakamataas na combined score na 98% mula sa hurados at madlang people at tinalo ang kapwa grand finalists na sina Lucky Galindez (92%) at Angelica Magno (56%).
Pinabilib ni Kent ang lahat sa kanyang IV of Spades medley na umani ng papuri dahil sa kanyang kahusayan at kumpiyansa sa sarili.
Kabilang sa hurados sa “Huling Tapatan” sina Ogie Alcasid, Marco Sison, Nonoy Zuñiga, Dingdong Avanzado, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Mark Bautista, Klarisse de Guzman, Lani Misalucha,at Louie Ocampo.
Bilang grand champion, nagwagi si Kent ng ₱1 milyon, isang recording contract sa ABS-CBN Music, management contract sa Star Magic, at trophy. Samantala, nakatanggap naman si Lucky ng ₱100,000, at si Angelica ng ₱50,000.
Nakakuha naman din ang grand finalists na sina Aaron Lao, Jude Tangkion, at Almaerra Recentes ng ₱20,000 matapos silang hindi pinalad maka-usad sa huling round ng kompetisyon.
Patuloy na panoorin ang kasiyahan at kantahan sa “It’s Showtime” tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant at TFC IPTV.
Panoorin din ang “Showtime Online U” sa It’s Showtime YouTube channel.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Kent Villarba, wagi bilang grand champion ng "Tawag Ng Tanghalan" season 9