Latest family drama ng Star Cinema, mega blockbuster sa takilya
Umabot na sa P85 million ang kinita ng “Meet, Greet & Bye” sa unang limang araw nito sa mga sinehan sa bansa sa pagdagsa ng mga manonood nitong weekend para mapanood ang mega blockbuster hit na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos, at Maricel Soriano.
Patuloy ang magandang performance ng bagong Star Cinema film sa takilya pagkatapos magtala ng P33 million box office sales sa unang tatlong araw nito kasunod ng P10.5 million opening day record nito.
Nagsimulang ipalabas ang pelikula noong Nob. 12 at napapanood sa mahigit 530 sinehan worldwide kung saan mahigit 300 dito ay nasa Pilipinas.
Ramdam ang excitement at papuri sa pelikula ng moviegoers mula sa iba’t ibang bansa.
Sabi ni @maryjhoanaaa, “Since nasa ibang bansa ako, ang expectation ko baka ako lang ang manood sa sinehan ng #MeetGreetAndBye. Nagulat ako na marami akong kasamang nanood sa sinehan. First day of screening kahapon dito sa Australia. Supportive ang mga Pinoy. Congrats ulit sa Da Facs!”
“Hindi rin papatalo yung isang cinema dito sa SoCal. Almost sold out na sila,” post ng Team California sa X.
Nagbahagi naman ng larawan ang isang netizen na si @leslie_gesell. Sabi niya, “Last night after watching #MeetGreetAndBye here in Toronto with my mom and siblings. I was speechless after the movie, trying to absorb what we just watched and feeling ko parang bitin, I want to see it again.”
Huwag palampasin ang kwento ng Da Facundo sa “Meet, Greet & Bye.” Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye at makabili ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.












