News Releases

English | Tagalog

BINI, tinupad ang hiling ng isang chikiting na may cancer sa “BINI World Tour Stories” sa iWant

November 11, 2025 AT 02:46 PM

Tampok din ang taos-pusong pasasalamat ng nation’s girl group sa lahat ng Blooms worldwide

Natupad ng nation’s girl group na BINI ang hiling ng isang mini Bloom na may cancer na makita at mayakap sila nang personal, tampok sa nakaaantig na season finale ng “BINI World Tour Stories,” na eksklusibong mapapanood sa iWant.

Tampok sa season finale episode ang mini Bloom na si Mavis, isang chikiting na may brain tumor na hindi pinalampas ang concert ng BINI bago ang kanyang operasyon. Ilan sa mga paboritong trending na kanta ng grupo na nagpapaindak at nagpapasaya sa kanya ay “Cherry on Top” at “Salamin, Salamin.”

Bumuhos naman ang emosyon nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena matapos nilang kumustahin si Mavis at sa kanyang ina, kasunod ng matagumpay na operasyon ng bata.

Bida rin sa season finale ang taos-pusong pasasalamat ng BINI sa walang sawang suporta ng mga Blooms worldwide sa kanilang “BINIverse World Tour 2025,” na nagsimula sa Philippine Arena noong Pebrero 15. Tampok din ang makulay na concert journey nila sa Dubai (United Arab Emirates), London (United Kingdom), at sa iba’t ibang lungsod sa North America gaya ng Toronto (Canada), Washington D.C., Hollywood, at Las Vegas (United States).

Mapapanood din ang iba pang candid moments ng BINI members tampok ang pagbisita nila sa iba’t ibang iconic spots sa mga bansang napuntahan nila kasama rin ang pagsulit at pag-enjoy nila sa bawat sandali ng kanilang concert journey sa kabila ng kanilang jam-packed schedule.

Mapapanood din ang iba pang candid moments ng BINI members, kabilang ang pagbisita nila sa mga iconic spots sa iba’t ibang bansa na kanilang nabisita at ang pagsulit sa bawat sandali ng kanilang concert tour sa kabila ng kanilang  jam-packed schedule.

Mapapanood ang makulay na paglalakbay ng BINI sa “BINI World Tour Stories,” na eksklusibong mapapanood sa iWant worldwide.

Sa halagang P35 bawat buwan sa Pilipinas, handog ng iWant ang abot-kayang access sa mga eksklusibong palabas, paboritong original series, teleserye, at live stream.

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE