News Releases

English | Tagalog

Gerald, proud sa impact ng "Sins of the Father"

November 18, 2025 AT 10:43 AM

Awareness tungkol sa napapanahong scams, naging misyon ng serye

Proud ang action-drama royalty na si Gerald Anderson sa ABS-CBN crime action-drama na “Sins of the Father” na nagbigay kaalaman tungkol sa mga scams at sa patuloy na pangunguna nito bilang most watched teleserye sa iWant hanggang sa pagtatapos nito ngayong linggo.

“I will miss playing Samuel because of the impact and social awareness na ibinigay ng show namin. It’s about corruption and scams, which is very timely sa nangyayari sa bansa natin. It has been an amazing journey and I’m very grateful,” saad ng Kapamilya actor.

Sumang-ayon din ang isa sa mga direktor nito na si FM Reyes sa pahayag ni Gerald na nais nilang ipakita sa manonood ang realidad ng mga isyu sa lipunan.

“This is our little way of presenting to the public all the perspectives of corruption in our lives. From the victims who condone the scamming business to those who run it. Higit sa lahat it gave a voice to those who are voiceless,” sabi ni Direk FM na kasama rin sina Bjoy Balagtas at Avel Sunpongco sa pagdirek ng serye.

Pinangunahan ng JRB Creative Production ng ABS-CBN ang pagbuo ng programa sa pangunguna ng business unit head na si Julie Anne R. Benitez, kasama ang executive producers na sina Maya Aralar at Marissa Kalaw, creative head Dindo Perez, head writer Cenon Palomares, at writer na sina Jann Mendoza and Shania Vonzel.

Sa pagwawakas ng programa, lalong tumitindi ang aksyon at tensyon habang unti-unting nabubunyag ang mga malalagim na sikreto at krimen. Nakatakas sa kulungan si Samuel (Gerald) sa tulong nina Agnes (Jessy Mendiola) at Johnny (RK Bagatsing) matapos siyang akusahan bilang lider ng sindikato na Bakunawa.

Matapos matuklasan ang pagkakasangkot ng pamilya niya sa naglalakihang scams, ibubunyag na ni Leah (Shaina Magdayao) ang opersayon ng Bakunawa para protektahan ang mga anak niya mula sa panganib.

Samantala, naging bagong pinuno na si Jacob (JC De Vera) ng grupo na naging dahilan upang malagay sa paganib si Arissa (Francine Diaz) at ang pamilya ni Samuel habang nananatiling nakakulong si Enzo (Seth Fedelin) sa scam warehouse. 

Huwag bumitiw sa huling linggo ng “Sins of the Father” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC gabi-gabi, 9:30pm. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Gerald, proud sa impact ng "Sins of the Father"