News Releases

English | Tagalog

"Meet, Greet & Bye," umabot na sa P215M ang kita worldwide

November 25, 2025 AT 12:53 PM

Samahan ang Da Facs sa ikatlong linggo ng pelikula sa mga sinehan simula bukas (Nob. 26)

Lumampas na sa P215 million ang kinita ng “Meet, Greet & Bye” sa global box office nitong Linggo (Nobyembre 23) sa pagdagsa sa mga sinehan noong weekend para sa hit family drama movie.

Papasok na rin ang pelikula sa ikatlong linggo sa mga sinehan sa bansa simula bukas (Nob. 26) at mapapanood na sa Malaysia at Singapore simula Huwebes (Nob. 27), Hong Kong at Macau simula Linggo (Nob. 30), at Cambodia simula Disyembre 12.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana ang kasalukuyang highest-grossing Filipino movie ng taon na pinagbibidahan nina Piolo Pascual (Tupe), Joshua Garcia (Brad), Belle Mariano (Geri), Juan Karlos (Leo), at Maricel Soriano (Mama Baby). Umiikot ang kwento nito sa magkakapatid na Facundo na gustong gawin ang lahat para maisakatuparan ang hiling ng kanilang ina na may sakit na kanser.

Samahan ang Da Facundo family sa nakakaantig na kwento ng “Meet, Greet & Bye.” Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye at makabili ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"Meet, Greet & Bye," umabot na sa P215M ang kita worldwide