News Releases

English | Tagalog

Melai, proud na ibandera ang 'kwentong Bisaya' sa "Kuan on One S4"

November 25, 2025 AT 11:54 AM

Beauty Gonzalez, makaka-chikahan si Melai sa hit Bisaya talk show

Panibagong mga kwento at good vibes ang handog ni Kuantie Melai Cantiveros-Francisco sa ika-apat na season ng hit Bisaya talk show ng ABS-CBN na “Kuan on One” tampok ang iba’t ibang Bisdak celebrities na mapapanood simula Nobyembre 25 (Martes).

Malaki ang pasasalamat ni Melai sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa programa lalo na’t naibabandera nito ang kultura ng mga Bisaya sa pamamagitan ng mga nakakaantig na kwentong ibinabahagi ng mga bisita.

“Lahat ng ito ay sa ‘kuanizens’ na nanonood talaga. Lalo na ‘yung mga hindi Bisaya pero nanonood pa rin at umaasa lang sa subtitle. Thank you so much talaga. Kayo ang dahilan kung bakit nandito na tayo sa season four,” ani Melai sa nagdaang mediacon para sa bagong season. 

Dagdag ng Kapamilya host, nais pa niyang magpasaya at makapagbigay inspirasyon sa mga sumusubaybay sa programa. “Sobra akong excited dahil alam ko talaga na maraming matutuwa at maraming mai-inspire sa ating new set of Bisaya celebrities na-iinterviewhin natin. Madaming revelations. Hinahayaan ko sila kung ano ‘yung gusto nilang ikwento at kung saan sila excited,” sabi niya.

Para sa unang episode ng panibagong season, makaka-chikahan ni Melai si Beauty Gonzalez tungkol sa showbiz career at personal life nito. Dapat din abangan ang susunod pang bisita tulad nina Matteo Guidicelli, AZ Martinez, at marami pang iba. 

Makisaya sa kwentuhan kasama si Kuantie Melai sa panonood ng “Kuan on One” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWant kung saan may bagong episode kada Martes. 

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE