News Releases

English | Tagalog

Six Part Invention, ibinida ang "Wasak Na Puso" sa bagong awitin

November 04, 2025 AT 11:04 AM

Actress era ni BINI Gwen, tampok sa MV ng banda

Mapanakit na kwento ng naglahong pag-ibig ang ibinahagi ng bandang Six Part Invention sa bagong awitin na “Wasak Na Puso” na may madamdaming music video tampok si BINI Gwen.

Isinulat at iprinodyus ng lead vocalist na si Rey Cantong ang awitin na naglalarawan sa lungkot na dala ng paglisan ng taong iniibig.

Bumida si Gwen sa music video bilang audio archivist na nakikinig sa lumang voice recordings na iniwan ng isang ama sa kanyang mga anak. Kasalukuyang may mahigit 200,000 views na ito sa YouTube.

“Thank you Gwen for being part of our ‘Wasak Na Puso’ music video. It was such a joy and honor to collaborate with you and bring this song’s story to life,” saad ng banda sa Facebook post.

Kamakailan ay naging bahagi ang pop-rock band ng Aurora Music Festival 2025 na naganap sa Davao kung saan ipinarinig nila ang bagong awitin.

Nagsisilbing comeback single ng banda ang “Wasak Na Puso” matapos ang 2024 single na “Tama Pa Ba.” Napapanood ang Six Part Invention sa Kapamilya variety shows na “It’s Showtime” at “ASAP.”

Damhin ang “Wasak Na Puso” ng Six Part Invention na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE