Da Facs, handa nang magpatawa at magpaiyak sa manonood
Kilalanin ang Da Facundo family (Da Facs) sa “Meet, Greet & Bye,” isang nakakatuwa at nakakaantig na pelikula tungkol sa ugnayang nagbubuklod sa pamilya na mapapanood na sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula sa Miyerkules (Nobyembre 12).
Tampok sa bagong handog ng Star Cinema sina Piolo Pascual bilang ang bumabawing balikbayan na si Tupe, Joshua Garcia bilang ang naiwan pero maasahang kuya na si Brad, Belle Mariano bilang ang strong at independent princess na si Geri, Juan Karlos bilang ang komedyanteng musikero, at Maricel Soriano bilang ang ultimate fan girl na si Mama Baby ayon sa second trailer ng pelikula na inilabas noong Nob. 6.
Handa nang magpatawa, magpaiyak, at magpa-alala na pahalagahan ang pamilya sa kwentong pagdadaanan ng Da Facs na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Iikot ito sa magkakapatid na Facundo na nagnanais matupad ang hiling ng maysakit nilang ina na si Mama Baby na makita ang kanyang Korean idol na si Park Seo-Joon.
Nakatanggap agad ng samu’t saring papuri ang pelikula mula sa ilang artista at influencers na napabilang sa advanced screening nito.
“Sobrang well-written, well-acted, ang ganda ng kwento, sobrang malaman. Walang dull moment for me, and yung emotions punong-puno, syempre di lang puro iyakan, may mga banters din at kitang-kita mo talaga ang chemistry nilang apat and, of course, Ms. Maricel. Ganda!, ” sabi ni Brent Manalo.
“The movie really hits close to home. While you’re watching it, it makes you feel like you’re part of the family. Lahat nang pinapakita nila, napagdaanan ko rin. It will move you in so many ways,” ani River Joseph.
“The film operates on the raw, yet universal, theme of family sacrifice—the difficult choices made and the heavy burdens carried in silence for the sake of the collective. It’s the unspoken dynamics of a family unit that form the emotional earthquake at the core of the story, making the eventual breakthroughs all the more resonant,” ayon sa influencer na si Rod Magaru.
Samantala, napaisip naman si Angeline Quinto sa mga takot niya bilang ina pagkatapos panoorin ang pelikula.
“Kaya ako naiyak kasi parang ayokong dumating sa time na ganun pag malaki na ang mga anak ko. Ayokong magkasakit, ayokong alalahanin nila ako pagdating ng panahon,” kwento ni Angeline. “Sa lahat ng mga anak, sa mga nanay, kailangan nyo panoorin ang pelikulang ito kasi ang daming revelations tungkol sa mga nangyayari sa bawat pamilya.”
Bukod sa Pilipinas, mapapanood ang “Meet, Greet & Bye” sa Australia, New Zealand, UAE, Qatar, Oman, at Bahrain simula Nob. 13 at sa US, Canada, at Guam sa Nob. 14.
Ipapalabas din ito sa iba’t ibang bahagi ng Europe ngayong Nobyembre, kasama na ang UK, Ireland, at Austria sa Nob. 15; Italy at France sa Nob. 16; Greece sa Nob. 22; at Spain sa Nob. 23.
May screenings din ang pelikula sa Hong Kong, Macau, Singapore, Brunei, at Papua New Guinea ngayong buwan at mapapanood sa Cambodia sa Disyembre 12.
Samahan ang Da Facs sa “Meet, Greet & Bye.” Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye tungkol sa pelikula at makapag-reserve ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.







