Paghubad ni Kim sa harapan ni Paulo, pinuri!
Mainit na sinalubong ng mga manonood ang mapangahas na serye nina Kim Chiu at Paulo Avelino na “The Alibi” matapos itong manguna sa most-watched shows sa Prime Video Philippines nang ipalabas ito noong Nobyembre 7 (Biyernes).
Patok sa fans ang isa sa mga pinakapinag-usapang eksena ng KimPau kung saan naghubad at ibinalandra ni Stella (Kim) ang kanyang kaseksihan kasabay ng pag-perform ng pole dancing habang namamanghang nakatitig sa kanya si Vincent (Paulo).
Ang “The Alibi” ang pangalawang serye ng KimPau na nasungkit ang numero unong pwesto sa listahan ng top TV shows sa Prime Video Philippines matapos nila itong makamit para sa “Linlang,” ang una nilang pagtatambal para sa naturang streaming platform.
Sa unang dalawang episode pa lang ng “The Alibi,” makapigil-hininga na agad ang mga eksena na tampok ang misteryosong pagpatay kay Walter (Sam Milby), ang karibal ni Vincent sa news agency kung saan sila nagta-trabaho at ang lover ni Claudia (Sofia Andres), ang asawa ni Vincent.
Ipinakita rin ang mga pagsubok sa buhay ng ex-convict na si Stella bilang isang bayarang babae na naghahanap buhay sa isang bar. Napilitang kumapit sa patalim ni Stella kaya tinanggap niya ang alok ni Vincent kapalit ng isang milyong piso para maging alibi nito sa imbestigasyon kung saan si Vincent ang suspek sa pagpatay kay Walter.
Alamin ang mga masalimuot na sikreto sa “The Alibi,” na eksklusibong napapanood sa Prime Video. May bagong episode na ipinapalabas kada Biyernes na available sa Pilipinas at sa higit 240 na bansa at teritoryo.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.








