Bilang pagtutubos ng anak…
Ibubuhos na ng action-drama royalty na si Gerald Anderson ang lakas sa pagkamit ng hustisya laban sa malawakang ilegal na operasyon ng scams sa nalalapit na pagtatapos ng ABS-CBN crime-action mystery drama at most watched series ng iWant na “Sins of the Father.”
Tampok dito ang masalimuot na mundo ng scamming na nagsimula kay Samuel (Gerald) na kinailangang harapin ang kasalanan ng kanyang ama na gumimbal sa buhay nila ng kanyang pamilya. Sa loob ng limang buwan, matapang nitong sinalamin ang iba’t ibang panloloko, kasama na ang ilegal na crypto trading at networking, human trafficking, at iba pa.
“Sinamahan natin si Samuel sa kanyang paglalakbay sa bawit sakit, sa bawat problema, at sa bawat laban. Kung tama pa ba ang mga hakbang na pinipili niya. Kahit na ilang beses siyang nadapa, hindi tayo bumitaw sa kanya,” saad ni Gerald na puno ng pasasalamat.
Binigyang-diin ng Kapamilya actor kung paano sinasalamin ng serye ang pagsubok na hinaharap ng maraming Pilipino.
“Ang laban ni Samuel para sa isang ligtas na pamilya, para sa isang maayos na lipunan, para sa isang bansang hindi magpapaloko dahil marunong kumikilala ng pananamantala. Laban natin lahat ‘to sa kanya-kanyang paraan, sa kanya-kanyang buhay,” dagdag niya.
Sa pagwawakas nito na tinawag na ‘Redemption of the Son,’ nagtagumpay sina Samuel at Agnes (Jessy Mendiola) na pag-awayin ang mga miyembro ng Bakunawa. Nang matuklasan ni Gen. Diego Ramirez (Tirso Cruz III) ang panloloko ni Samuel, siniguro niyang maghihiganti siya rito.
Lalong nalalapit sa katotohanan sina Leah (Shaina Magdayao) at Johnny (RK Bagatsing) tungkol sa madilim na sikreto ng kanilang pamilya habang nag-aalala naman si Arissa (Francine Diaz) para kay Enzo (Seth Fedelin) na nahuli at nakakulong sa scam warehouse.
Magtagumpay kaya si Samuel sa kanyang misyon o buhay niya ang malalagay sa panganib? Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng “Sins of the Father” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC gabi-gabi, 9:30pm. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



