News Releases

English | Tagalog

Nonong Ballinan, ibibida ang buhay ng ordinaryong Pinoy sa “Taym In”

November 26, 2025 AT 01:12 PM

Tampok ang kwelang kwentuhan sa CineMo Channel kasama ang taho vendor, panday, coffee farmer, atbp!

Handang-handa na sa ekstraordinaryong trip ang kwelang Kapamilya comedian na si Nonong Ballinan para ibida ang buhay ng ilang ordinaryong Pinoy sa nakaaaliw na kwentuhan sa “Taym In” tuwing Biyernes sa CineMo Channel.

 

Personal na nag-time in si Nonong at sumabak sa iba’t ibang “duty,” simula nitong Biyernes (Nobyembre 21), para tuklasin kung paano nakikipagsapalaran sa buhay ang mga nagtatrabaho bilang taho vendor, panday, coffee farmer, surf instructor at iba pa.

 

Tampok sa unang dalawang linggo ng kanyang ekstraordinaryong trip ang isang taho vendor mula Baguio at isang tatay na panday ng balisong mula Taal, Batangas.

 

Aalamin din ni Nonong ang mga pinanghuhugutan ng lakas at inspirasyon ng iba pang Pinoy gaya ng isang coffee farmer mula Lipa, Batangas at surf instructor mula La Union.

 

Subaybayan sa duty si Nonong kasama ang mga tampok na proud Pinoy sa “Taym In” tuwing Biyernes, 3pm, sa CineMo Channel at official YouTube channel at Facebook page ng Cinemo, 12nn.

 

Para sa iba pang kaabang-abang na mga palabas at detalye tungkol CineMo, i-follow ang official pages nito sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin angcorporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE