News Releases

English | Tagalog

Ian Manibale, may dalang pangako na "Laging Nasa Tabi Mo"

November 13, 2025 AT 09:01 AM

Alay ang awitin para sa mga nagmamahal ng tapat at totoo

Ipinadama ng “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak” finalist Ian Manibale ang pag-ibig na handang manatili sa oras ng saya at lungkot sa kanyang bagong awitin na “Laging Nasa Tabi Mo.”

Mula sa komposisyon at produksyon ni DNA Music label head Gab Tagadtad ang ikalawang single ni Ian. Sinundan nito ang debut single niyang “Vicente Cruz” na siya mismo ang nagsulat.  

Noong Hunyo, nakasama ni Ian ang acclaimed songwriters na sina Kiko “KIKX” Salazar at Adonis Tanaba o mas kilala bilang duo na day one para sa single na “Naubos Na.”

Nagsimula ang karera ng singer-songwriter na mula sa Catanduanes nang sumali siya sa “Tawag ng Tanghalan” season 5 at naging second placer sa kompetisyon. Muli niya nasungkit ang runner-up na pwesto nang sumabak naman siya sa “All-Star Grand Resbak” season 2 nitong taon. Matapos ang “TNT” journey niya, naging bahagi siya ng ng One Music Management.

Nagpakitang gilas din si Ian sa sunod-sunod na concerts tulad “The Big Night” ni Klarisse de Guzman na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Setyembre at “All-Star Grand Resbak” concert na ginanap sa New Frontier Theater nitong Agosto.

Pakinggan ang matamis na mensahe ni Ian sa “Laging Nasa Tabi Mo” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE