News Releases

English | Tagalog

Jonathan Manalo at Jm Yosures sasamahan si Louie Ocampo bilang bagong hurados ng “Tawag Ng Tanghalan Duet” season 2

November 13, 2025 AT 03:14 PM

Kasabay ng pagbabalik ng inaabangang “Tawag ng Tanghalan Duets” ang pasabog na bagong hurados na sina, award-winning at most-streamed Filipino songwriter-producer Jonathan Manalo, at TNT Season 4 Grand Champion JM Yosures na makakasama ni punong hurado, Louie Ocampo sa bagong season. 

Dadalhin ni Mr. Music Jonathan Manalo ang kanyang galing sa musika upang gabayan ang mga kalahok. Samantala, bitbit naman ni JM Yosures ang sariwang pananaw at karanasan bilang dating kalakok sa “TNT” stage. 

Hatid ng bagong season ang panibagong twist, dahil bawat hurado ay may kapangyarihang na bilangan ang mga kalahok na sasablay sa kanilang pag-awit. Kapag nakatanggap ng tatlong bilang ang isang duo, sila ay mago-gong at tuluyang matatanggal sa laban.

Binuksan ng TNT Duet “Waray Warriors” na binubuo nina Christian Labrador at Francheska Empino ang bagong season sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang performance na nagpanalo sa kanila sa unang araw ng ikalawang season ng “TNT Duets.”

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan Duets” Season 2 sa “It’s Showtime” tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment), iWant, at TFC IPTV.

Mapapanood din ang companion online show na “Showtime Online U” sa It’s Showtime YouTube channel.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Jonathan Manalo at Jm Yosures sasamahan si Louie Ocampo bilang bagong hurados ng “Tawag Ng Tanghalan Duet” season 2