News Releases

English | Tagalog

Joshua at Ivana, bibida sa unang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco

November 13, 2025 AT 06:17 PM

Abangan ang “Love is Never Gone” ng ABS-CBN ngayong 2026

 

Magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa romance drama na “Love is Never Gone,” ang kauna-unahang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco. 

 

Inanunsyo ito ngayong araw (Nobyembre 13) ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa isang video teaser kung saan ipinasilip na ang ilang mga eksena nina Joshua at Ivana na kinunan sa naggagandahang mga lokasyon sa Morocco. 

 

Bukod sa kaabang-abang na chemistry nina Joshua at Ivana, makikita rin sa naturang teaser ang tila mainit na komprontasyon ng kanilang mga karakter. 

 

Ipapalabas ang “Love is Never Gone” ngayong 2026. Iaanunsyo naman sa mga susunod na linggo ang iba pang mga detalye tungkol sa serye. 

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Joshua at Ivana, bibida sa unang Filipino teleserye na kinunan sa Morocco