May Kapamilya comeback bilang AADA sa ika-35 taon niya sa industriya
Nagbabalik ang GMA star na si AiAi Delas Alas sa music scene bilang AADA na naglunsad ng bagong novelty song na pinamagatang “Haliparot Delulu” sa ilalim ng Kapamilya label na StarPop kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-35 taon sa industriya.
Dala ng multi-awarded actress, comedienne, at singer ang kanyang signature wit, humor, at charisma sa kanyang comeback dance-pop music pagkatapos ng 11 taon.
“After 11 years bilang lucky number ko siya,” ani Aiai, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Nobyembre 11.
Tungkol ang “Haliparot Delulu” sa makabago at magulong dating scene at may mensahe ito na tigilan na ang paghahabol sa ‘ghosters’ at piliin ang sarili.
Mula ang kanta sa panulat nina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo na inareglo naman ni Theo Martel.
Napapakinggan na ang “Haliparot Delulu” ni AADA sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



