News Releases

English | Tagalog

“ASAP” maghahatid saya at pag-asa sa “ASAP Presents: Tulong-Tulong, Kapamilya: A Benefit Concert”

November 14, 2025 AT 03:08 PM

Muling magningning ang diwa ng bayanihan sa “ASAP Presents: Tulong-Tulong, Kapamilya: A Benefit Concert,” kung saan magsama-sama ang ilan sa pinaka-tinitingalang pangalan sa industriya ng musika para maghatid ng inspirasyon, pag-asa, at pagmamahal sa ating mga Kapamilya ngayong Linggo (Nob.16).

 

Pinangunahan ng OPM icons na sina BINI, Gary Valenciano, Martin Nievera, at lead stars ng “Roja” na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri ang masayang pagtitipon na nagbigay-liwanag sa bawat manonood sa pamamagitan ng musika.

Babaha ng good vibes ang hatid ng opening number nina  Martin, Erik, Darren, KZ Tandingan, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Jona, at Gary Valenciano.

Patuloy namang naghatid ng saya at inspirasyon ang Nation’s Girl Group, BINI, sa kanilang makabagbag-damdaming performance ng “Here With You.”

Sina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, at Kyle Echarri ng “Roja” ay susuporta rin sa concert. Abangan din ang special number ni Kyle kasama si Kai Montinola.  

Magbibigay naman ng pag-asa at lakas sa bawat Pilipino ang ASAP Divas na sina KZ, Kyla, at Angeline Quinto, at ang ASAP Champions na sina Erik Santos, JM Yosures, Khimo Gumatay, Lyka Estrella, Reiven Umali, at Rea Gen Villareal, sa kani-kanilang  inspirational performances.

Espesyal na collab performances din ang dapat panoorin mula kina Kyla, Ice Seguerra, Jed Madela, Nyoy Volante, at Jason Dy, habang tampok din sa benefit concert ang mga matitinding duets nina Martin Nievera at Jona, KZ Tandingan at Marko Rudio, Klarisse de Guzman at Jona, at Jed Madela at Angeline Quinto.

Patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa mga kapwa Pinoy sa empowering performance nina Darren, Janella Salvador, Alexa Ilacad, KD Estrada, Jarren Garcia, Kai Montinola, Lyka, Reiven Umali, JM Yosures, at Khimo.

Pag-asa at positibong mensahe ang gustong iparating ng pamilya ng ASAP mula sa finale performance nina Gary Valenciano, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano.

Mas pasasayahin at pasisiglahin naman ng hosts ng concert na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Darren Espanto, Alexa Ilacad, at Kyle Echarri ang Sunday ng manonood. 

Huwag palampasin ang “ASAP Presents: Tulong-Tulong, Kapamilya: A Benefit Concert,”  ngayong Linggo (Nobyembre 16), 12 NN, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z, iWant, at TFC . 

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE