News Releases

English | Tagalog

“Love at First Spike” ni Emilio Daez, mapapanood na ng libre sa iWant

November 14, 2025 AT 04:05 PM

Mapapanood nang libre simula ngayong Nobyembre hanggang Enero 8, 2026!

Masusubaybayan na ang makulay na kwento ng pag-iibigan at matinding puksaan sa volleyball court nina Kapamilya stars Emilio Daez, Sean Tristan, at Reign Parani dahil mapapanood na ng libre ang “Love at First Spike” sa iWant simula ngayong Nobyembre.

Tampok sa 10-episode series, na nanatiling bahagi ng Top 5 shows sa iWant worldwide noong unang ipalabas ito, ang buhay ni Uno (Emilio), isang nasuspindeng basketball varsity captain na napilitang pasukin ang mundo ng volleyball para maisalba ang kanyang scholarship.

Pinamumunuan ang men’s volleyball team ni Jared (Sean), ang dating bestfriend ni Uno na may espesyal ding pagtingin sa kanya. Pagtatagpuin naman ng tadhana sa mundo ng volleyball sina Uno at Farah (Reign), pinsan ni Jared, na magiging dahilan ng mas matinding tapatan sa court—at sa puso.

Sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, makakasama sa riot na barkadahan sina “Pinoy Big Brother Collab” ex-housemate River Joseph at PBB alumni Dylan Yturalde, Rain Celmar, Binsoy Namoca, Sky Quizon, at Andi Abaya. Kasama rin ang dating “Sparks Camp” campers Universe Ramos, Miggy Ruallo, Nick de Ocampo, at Bong Gonzales.

Hindi rin pahuhuli ang iba pang Kapamilya stars na sina Adrian Alandy, Meryll Soriano, Jude Hinumdum, Lance Reblando, Gio Alvarez, at Alwyn Uytingco, na handang mag-serve, set, at spike ng samu’t saring emosyon sa kwento.

Alamin kung sino ang magwawagi sa puso ni Uno at kung paano nila malalampasan ang mga hamon sa loob at labas ng volleyball court sa “Love at First Spike,” mapapanood na ng libre sa iWant simula Nobyembre 8 hanggang Enero 8.

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

 

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito saFacebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE