News Releases

English | Tagalog

Jake, nagsimula na maghiganti kina Sue, Charlie, Janella, at Kaila sa “What Lies Beneath”

November 28, 2025 AT 01:46 PM

Hindi na mapipigilan ang paghihiganti ni Edong (Jake Cuenca) kina Alice (Janella Salvador), Mel (Sue Ramirez), Beth (Charlie Dizon), at Erica (Kaila Estrada) sa “What Lies Beneath” na mapapanood na tuwing 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at Netflix.

 

Matapos ang 14 na taon, tuluyan ng nakatakas si Edong sa kulungan para simulan ang planong paghigantihan sa mga taong naging sanhi ng kanyang pagkakakulong at paghihirap sa kulungan. Walang takot nga niyang binantaan ang magkakaibigan matapos niya padalhan ng video ito kung saan pinatay niya si Celestino.

 

Sa pagpapatuloy ng kwento ng isa sa most-watched Filipino series sa Netflix, nakita ng manonood na unang tinarget ni Edong si Mel. Ipinakita kung paano niya palihim na sinundan si Mel matapos itong tumakas mula sa kanyang mapang-abusong asawa na si Anton (Jameson Blake).

 

Sa kabilang banda, may ibang plano ang kapatid ni Edong na si Lucas (JM De Guzman). Bagama’t ipinapakita ang kagustuhan niyang makipagtulungan kay Erica para mahanap si Edong, tila may tinatago itong sariling agenda. Balak niyang mauna sa mga awtoridad upang maitago ang kapatid at mailabas ito ng bansa.

 

Habang tumitindi ang tensyon, nananatiling malaking tanong kung ano ang susunod na galaw ni Edong? May susunod kaya kay Louisa?

 

Huwag palampasin ang mga bagong kaganapan sa “What Lies Beneath”  na mapapanood gabi-gabi 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Maari rin mapanood ang advance episodes sa iWant, at Netflix.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE