Awiting nakakapukaw ng damdamin mula sa dating “PBB Otso” housemate
Binigyan ng bagong buhay ng Kapamilya singer na si Jem Macatuno ang awiting “Kumpas” na nagsisilbing official theme song ng mega blockbuster film na “Meet, Greet & Bye.”
Nakatanggap ng papuri ang kanyang bersyon dahil sa natatanging boses ni Jem at hatid na emosyon ng kanta sa lyric video nito na naka-upload sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
“I prefer this version, bagay na bagay sa movie. Just finished watching it, and I ended up crying,” ayon sa isang post sa YouTube.
“Grabe talaga tong vocals ni Jem, punong puno ng genuine emotions, remember yung PBB Eviction song na Bagong Simula, sobrang tusok na tusok, and this version of Kumpas, pengeng tissue,” post ng isa pang netizen.
Unang nakilala si Jem bilang contestant ng “The Voice Teens” season 1 at housemate sa “Pinoy Big Brother: Otso.” Ngayon patuloy siyang gumagawa ng pangalan bilang isa sa recording artist ng StarPop. Kabilang sa mga inilabas niyang awitin ang sariling komposisyon na “EDSA” at remake niya ng “Ikaw ang Aking Mahal.”
Sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez ang sumulat ng “Kumpas.” Nagsilbing theme song ng hit ABS-CBN series na “2 Good 2 Be True” ang orihinal na bersyon nito na inawit ni Moira.
Napapakinggan na ang “Kumpas” ni Jem sa pelikulang “Meet, Greet & Bye,” na nasa third week na nang pagpapalabas sa mga sinehan worldwide.Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


