Naiuwi ang Best Pop Recording sa 2025 Awit Awards
Dinala ni Maki ang makulay na mundo ng “KOLORCOASTER” sa Middle East kung saan nakasama niya ang pop-rock royalty na si Yeng Constantino matapos ang sold out concert niya sa Araneta Coliseum.
Bumisita si Maki sa Doha, Qatar at Dubai, UAE at naghatid ng all-out performances ng hit songs tulad ng “Dilaw,” “kahel na langit,” “Namumula,” at marami pang iba.
Sa pagbabalik ng Kapamilya singer sa bansa, sinalubong siya ng panibagong achievement matapos manalo ang “Dilaw” bilang Best Pop Recording sa 2025 Awit Awards.
Kamakailan ay nagkaroon ng collaboration ang Tarsier Records artist kasama ang American pop duo na joan para sa extended version ng album track na “turning green.” Sa kasalukuyan, umani ang album ni Maki ng mahigit 465 million streams sa Spotify.
Pakinggan ang makulay na kwento ng “KOLORCOASTER” ni Maki na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





