Mapapanood sa mahigit 510 sinehan worldwide
Masayang pagtanggap ng manonood ang nakamit ng pinakabagong family drama film ng Star Cinema na “Meet, Greet & Bye” dahil umani agad ito ng P10.5 million box office sales sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan nitong Nobyembre 12.
Mapapanood na ngayon sa mahigit 510 sinehan worldwide ang pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Sampana at pinangungunahan nina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos, at Maricel Soriano.
Nagkamit din ng positibong feedback ang pelikula mula sa manonood dahil sa relatability ng kwento at iba’t ibang emosyon na handog nito.
“It was a rollercoaster film full of joy, sadness, and the right amount of sappiness,” ayon sa abogado na si Jesus Falcis.
“Grabe ‘tong pelikulang ito. Hindi kinaya ng tissue ang pag-iyak ko habang nanunuood. Tagos sa puso ko ang mga eksena dahil naalala ko noong inalagaan ko pa ng halos dalawang taon ang mother ko dahil nagkasakit siya,” sabi naman ng vlogger na si Allan Sancon.
“The film’s emotional weight settles in the background details: the small, resonant gestures, the offhand jokes, the long silences. These unspoken truths and human moments are what make the film crushingly real,” ani Ralph Revelar Sarza ng Walphs.com.
Sabi naman ng Maganda Ba? blog na binigyan ng “Napaka Ganda” na papuri ang pelikula, “Its theme may be sad and heavy, pero dahil sa galing ng script, you still see those small bursts of hope and happiness sa gitna ng mga pagsubok. Dahil doon, mas nakaka-relate ang manonood – kasi gano’n talaga ang buhay, masaya na malungkot, mahirap na masarap.”
Simula ngayong araw, Nobyembre 13, may screening ang pelikula sa Australia, New Zealand, at Middle East at mapapanood na sa US, Canada, at Guam simula bukas (Nob. 14).
Mapapanood din ito sa UK, Ireland, at Austria sa Nob. 15; Italy at France sa Nob. 16; Greece sa Nob. 22; at Spain sa Nob. 23. Ipapalabas din ito sa Hong Kong, Macau, Singapore, Brunei, at Papua New Guinea ngayong buwan at sa Cambodia sa Dis. 12.
Kilalanin ang Da Facundos at samahan sila sa magandang kwento ng “Meet, Greet & Bye.” Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye tungkol sa pelikula at makabili ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.









