News Releases

English | Tagalog

“Benta Nights,” ibibida ang swabeng laugh-laugh-fun at kwentuhan sa iWant

November 21, 2025 AT 03:00 PM

Tampok ang riot na katatawanan kasama si Red Ollero atbp. simula Nob. 19!

Swabeng laugh-laugh-fun at kaabang-abang na kwentuhan ang bibida sa pinakabagong series ng iWant na “Benta Nights,” hatid ang high-energy na kulitan at puksaan on-screen ng ilan sa mga sikat na komedyante ngayon sa bansa, na eksklusibong mapapanood sa iWant simula ngayong Miyerkules (Nobyembre 19).

Pinangungunahan ni Red Ollero, ang kauna-unahang Pinoy stand-up comedian na bumida sa isang stand-up special sa isang international streaming platform, ang kwelang series na puno ng hagalpakan. Kilala siya sa pambihirang husay sa pagpapatawa at walang filter na jokes tungkol sa politika, relihiyon, at personal niyang buhay.

Layong ihatid ng six-episode series sa mga manonood ang kulay at sigla ng comedy scene sa bansa, kasama ang 12 sa ilang pinakasikat at trending na komedyanteng Pinoy sa Pilipinas.

Makakasama ni Red sa lineup si Alexio Tabafunda, ang “good-boy” at charming na head writer at creative director ng comedy channel na “SOLID OK” at ilang commercials; Andren Bernardo, hatid ang mga banat mula Pangasinan na kilala sa comedy podcast na “Bago Matulog with Red Ollero”; Arghie Malgapo, isang writer ng Pencilbox Comedy at kilalang komedyanteng may hugot na punchlines mula Tondo; at digital content creator na si Baus Rufo na kilala ngayon bilang isa sa hosts ng “Dogshow Divas,” hatid ang pangmalakasang dogshow energy.

Hindi rin pahuhuli ang comedian-engineer at full-time dad na si Chanchan Consing na bahagi rin ng Pencilbox Comedy; nag-iisang babae at loud-and-proud na bisexual na si Issa Villaverde na kilala sa “Korique: A Stand-up, Improv, and Drag Comedy Show” kasama si Baus; conyong komedyante at dating corporate banker na si Judd Gregorio; at Mark Llamado, mula Cavite, na bahagi rin ng Comedy Manila at writer ng Pencilbox Studios.

Sa direksyon ni “SOLID OK” founder and director Ryan Puno, kukumpleto naman sa pasabog lineup sina Rae Mammuad na puno ng witty na pananaw sa pag-ibig; Roger Naldo na hindi naging hadlang ang kapansanang cleft palate para magpasaya ng madla; at Victor Anastacio na kilala sa kanyang pamosong “Intellectwalwal” at walang prenong punchlines.

Makipag-laugh-laugh-fun na sa solid stand-up comedy shows na hatid ng local comedians sa “Benta Nights,” eksklusibong mapapanood sa iWant tuwing Miyerkules, simula ngayong Nobyembre 19. Mag-register na at panoorin nang libre ang unang episode.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“Benta Nights,” ibibida ang swabeng laugh-laugh-fun at kwentuhan sa iWant