News Releases

English | Tagalog

Bisaya newscast na "TV Patrol Regional," mapapanood na sa kapamilya channel, kapamilya online live, at A2Z simula Nob 16

November 14, 2025 AT 02:37 PM

Mapapanood na rin ang bagong Bisaya newscast ng ABS-CBN News na “TV Patrol Regional” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, atA2Z simula ngayong Linggo (Nobyembre 16), 5:15 pm. 

Pagkatapos umani ng libo-libong views, ang 15-minutong weekly news program na pinangungunahan ni Annie Perez ay mabilis tinanggap ng mga Bisayang manonood magmula nang ipalabas ito sa ABS-CBN News YouTube channel noong Nobyembre 2. 

Pinuri ng manonood ang pagbabalik ng pagbabalita sa rehiyon at paghahatid ng balita ng anchor nito. 

“Wow! So nostalgic to see a regional news program from ABS-CBN again. Kudos to all,” komento ng isang online viewer. 

“Salamat po ABSCBN para dito. We really appreciate your effort po!,” sabi naman ng isa pang netizen. 

“Kudos Ms Annie Perez. Very well presented. Proud TV Patrol Central Visayas viewer kaniadto (Kudos Ms. Annie Perez. Very well presented. Proud TV Patrol Central Visayas viewer before),” post ng isa pang YouTube viewer. 

Ang pagbabalik ng “TV Patrol Regional” matapos ang limang taon ay patunay lamang sa patuloy na paghahatid ng serbisyo publiko ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagbabalita sa iba’t ibang rehiyon. 

Mapapanood ang “TV Patrol Regional” tuwing Linggo, 5:15 p.m. hanggang 5:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa ABS-CBN News YouTube channel.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE