News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda, KimPau, at Daniel Padilla hatid ang matinding saya sa “ASAP In Vancouver Finale" ngayong Linggo

November 21, 2025 AT 12:55 PM

Bibida ang matitinding performances nina Vice Ganda, Kim Chiu at Paulo Avelino, at Daniel Padilla sa engrandeng pagtatapos ng “ASAP” celebration sa Vancouver ngayong Linggo (Nov. 23).

Magsisimula ang excitement sa isang pangmalakasan solo performance mula kay Vice Ganda, na susundan ng isang energy-packed number kasama sina Anne Curtis, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Darren, at Jhong Hilario.

Isang sweet duet naman ang asahan sa lead stars ng “The Alibi” na sina Kim at Paulo.

Ihanda ang puso sa pagkanta ng Supreme Idol ng henerasyon ngayon na si Daniel Padilla ng kanyang iconic rendition ng “Hanggang Kailan.”

Magpapatuloy ang world-class entertainment mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Tila pagbabalik-tanaw naman ang hatid ni David Pomeranz habang inaawit ang kanyang timeless classics kasama sina Jolina Magdangal, Angeline Quinto, Jona, at Klarisse De Guzman.

Bonggang energy din ang dala ni Darren sa kanyang solo dance act kasama ang Indak Dancers. Abangan din ang isang all-star dance showcase mula kina Joshua Garcia, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jarren Garcia, Teacher Georcelle, JM Ibarra, Fyang Smith, G-Force, at mga estudyante mula sa Vancouver.

Huwag palampasin ang pagdiriwang ng 30 taon ng world-class Pinoy talent sa “ASAP in Vancouver Finale” ngayong Linggo (Nov. 23), 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z, iWant, at TFC worldwide.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang ABS-CBN Newsroom.